Lunes, Enero 13, 2014

Happiest day of my life

      Itong blog na'to dapat last year ko pa 'to nagawa eh. huhu. Grabe kaseng busy ang second term. 2d at Video sabay. -___-

      Ohwell, this blog is about the happiest day of my life. And that day was October 19, 2013. The day of my baptism. The day that Jehovah completely owns my life. I've waited for this day for so long. I have known the truth for so long either. I think I was a kid, like 5 or 6 years old? Basta nung nagkamuwang na ako sa mundong 'to. At sa wakas, naialay ko na rin ang buhay ko sa Diyos na Jehovah, na dati ko pa dapat ginawa. #medyotaglishna



      Of course, maraming naging hadlang bago ko 'to nagawa. Isa sa mga hadlang na iyon ay iyong nagkabf ako. Sobrang naging hadlang siya sakin. Di ko nabigay ng buo yung oras ko sa paglilingkod sa Diyos. Yun na dapat yung time na mag'aapply ako for unbaptized publisher pero wala. :( Syempre pag may karelasyon ka, lalo na pag JW ka, at ang karelasyon ay hindi JW, mas lalong hadlang yun. Yung time mo hating hati. At nung dumating na sa oras na kami ay nagbreak, narealize ko na binigyan ako ng Diyos ng pagkakataon na makapaglingkod na talaga sakanya ng seryoso at buong buo. At ito yung sobrang pinagsasalamat ko Sakanya. Sobrang saya ko. Oo syempre naging masakit din yung breakup na yun para sakin, 2 years din kasi yun. Pero sa bandang huli, narealize ko ito yung sign na binigay sakin ng Diyos na mas lalong mapalapit sakanya. Bute nalang at nangyari yun. Oh thank you God. Thank you for everything.





      At ngayon, sobra pa kong nagpapasalamat sa Diyos sa sunod sunod na nangyayari after that happiest day of my life. Mas dumarami ang oras ko sa pangangaral, at sana magpatuloy pa 'to. Oo syempre, di maiiwasan ang mga pagsubok sa paglilingkod. Lalo na ngayong bautisado na ako, mas lalo talagang darating na pagsubok sa buhay ko. That's Satan's job eh. To put God's followers away from Him. Pero lagi ko ipinagdarasal sa Diyos na gabayan niya palagi ako.

      At ngayong 2014 na, sana mas lalo pa tumibay ang pananampalataya ko kay Jah. Na kahit anong mangyaring masama o pagsubok sa buhay ko, ay mapapanatili kong panghawakan ang katotohanan tungkol sakanya.


That's all folks. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento